Constitutionality ng Martial Law declaration sa Mindanao, pinagtibay ng SC

     2 weeks ago
12
Leave a Comment
7 SHARE

Tuluyang ibinasura ng Supreme Court (SC) ang motion for reconsideration na kumukuwestiyon sa Martial Law sa Mindanao.

Ang mosyon ay inihain ng mga petisyoner na kinabibilangan ng grupo nina Albay Representative Edcel Lagman, Eufemia Campos Cullamat, at Norkaya Mohamad.

Sa press conference, sinabi ni SC Spokesperson Atty. Theodore Te na sa botong 10-3-1 ay pinagtibay ang constitutionality ng Martial Law sa Mindanao dahil bukod aniya sa kawalan ng merito, moot and academic na ang apela ng mga petitioner dahil nagpaso na noong July 22, 2017, ang Proclamation No. 216 na pinagbatayan ng 60 araw na Batas Militar sa Mindanao.

Kasama sa 10 mahistrado na bumoto pabor sa pagbasura ng motion for reconsideration ay sina Justices Presbitero Velasco, Teresita Leonardo-de Castro, Lucas Bersamin, Mariano del Castillo, Estela Perlas-Bernabe, Samuel Martires, Noel Tijam, Andres Reyes Jr., at Alexander Gesmundo.

READ  35th Anniversary ng PDP-Laban, ipinagdiriwang sa PICC

Bumoto naman para pagbigyan ang ilang bahagi ng apela ng mga petitioner sina Chief Justice Ma. Lourdes Sereno, Senior Associate Justice Antonio Carpio at Associate Justice Benjamin Caguioa.

Habang ang nag-iisang pumabor sa mosyon ay si Associate Justice Marvic Leonen.

Hindi naman nakasama sa botohan si Associate Justice Francis Jardeleza dahil absent ito.

Sa desisyon ng SC noong July 4, 2017, tinukoy dito na may sufficient factual basis para sa deklarasyon ng Batas Militar sa Mindanao.

Nakasaad dito na kumbinsido ang Korte Suprema na may nagaganap talagang pag-aaklas sa Mindanao at nanganganib ang kaligtasan ng publiko.

Dahil dito ay kinatigan ng Kataas-taasang hukuman ang deklarasyon ng Batas Militar at suspensiyon ng privilege of the writ of habeas corpus sa rehiyon.

READ  Bangko Sentral ng Pilipinas may bagong gobernador

Kung maaalala, idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte noong May 23, 2017 ang Martial Law nang salakayin ng teroristang Maute Group ang Marawi City.

 

Source link

Post Comments