Daan-daang pasahero stranded; Iloilo airport paralisado sa pag-overshoot ng CebuPac

     2 months ago
22
Leave a Comment
3 SHARE

(Update) ILOILO CITY – Stranded ngayon ang daan-daang mga pasahero sa Iloilo International Airport matapos maparalisa ang operasyon ng paliparan.

Kasunod ito ng pag-overshoot ng eroplano ng Cebu Pacific kagabi sa runway ng paliparan.

Hanggang ngayon ay nananatili ang eroplano ng Flight 5J461 sa nag-iisang runway ng paliparan dahilan kung bakit walang biyahe ng mga eroplano na maka-take off at makalapag sa Iloilo airport.

Ang ilang mga pasahero ay inilipat sa Roxas airport upang makabiyahe lalo na ang mga pupunta pa ng ibang bansa.

Habang ang ilang apektadong pasahero ay binibigyan ng pagkakataon na tumungo na lang sa Kalibo at Bacolod airport.

Una rito, nakaligtas naman ang nasa 180 pasahero at anim na mga crew ng Flight 5J461.

READ  Anti-Duterte claims netizens are angry because Duterte gave Scarborough Shoal to China, bashes a Pro-Duterte

Mula ang eroplano sa Ninoy Aquino International Airport at dumating sa Iloilo bandang alas-11:15 kagabi.

Nagta-taxi na sa runway ang eroplano nang mag-overshoot at dumiretso sa palayan.

Ayon sa Cebu Pacific, kaagad nagpatupad ng emergency evacuation.

Sinabi ng isa sa mga pasahero na si Loui Latoza, ikinagulat nila na napalakas ang paglapag nila matapos nag-abiso ang piloto na maghanda ang lahat sa paglapag ng eroplano.

Mistula aniya silang dumaan sa bako-bakong daan at biglang nagpreno.

Wala pang opisyal na pahayag ang Iloilo Airport maging ang Cebu Pacific sa sanhi ng pag-overshoot ng kanilang eroplano kung saan ay nagpapatuloy pa ang imbestigasyon.

Samantala nasa 31 mga biyahe ng Cebu Pacific ang kinansela.

Kabilang sa mga nakanselang biyahe ay ang sumusunod:

READ  BBM: Walang ipamimigay na Marcos gold Intramuros bukas

October 13, 2017:

5J 467 Manila-Iloilo

October 14, 2017:

5J 468 Iloilo-Manila
5J 449/450 Manila-Iloilo-Manila
5J 451/452 Manila-Iloilo-Manila
5J 453/454 Manila-Iloilo-Manila
5J 721/720 Iloilo-Davao-Iloilo
5J 255/256 Iloilo-Singapore-Iloilo
DG 6408/6409 Cebu-Iloilo-Cebu
5J 447/448 Manila-Iloilo-Manila
5J 467 Manila-Iloilo
5J 457/458 Manila-Iloilo-Manila
5J247/248 Iloilo-General Santos-Iloilo
5J165 Iloilo-Cebu

October 15, 2017:

5J451/452 Manila-Iloilo-Manila
5J453/454 Manila-Iloilo-Manila
5J457/458 Manila-Iloilo-Manila
5J468 Iloilo-Manila
5J348/347 Davao-Iloilo-Davao
DG6408/6409 Cebu-Iloilo-Cebu

Ang mga apektadong pasahero ay inaabisuhan na maaring mag-rebook ng kanilang flights o mag-reroute sa ibang paliparan kagaya ng Roxas, Bacolod at Kalibo airports para sa domestic flight.

Para naman sa mga apektadong international flight, maaring mag-reroute sa Cebu at Manila.

Nakahanda rin ang airline company na i-refund nang buo ang tickets ng mga naapektuhang pasahero.

Source link

Post Comments