Daan-libong taga-Barcelona, nag-rally vs paghiwalay ng Catalonia sa Espanya

     2 weeks ago
21
Leave a Comment
4 SHARE

 

Tinatayang umaabot sa 350,000 residente ng Barcelona ang lumabas sa kani-kanilang mga tahanan at nakilahok sa malawakang rally upang kontrahin ang plano ng regional government ng Catalonia na humiwalay sa bansang Spain.

Ang naturang protest march ang itinuturing na pinakamalaking rally ng mga pro-union group na kumokontra sa pagkalas ng Catalonia sa Espanya.

Ang Catalonia na isa sa pinakamayamang rehiyon ng Spain ay dumaan sa botohan kamakailan para sa isang referendum na humihiling na humiwalay na sa Spain ang kanilang rehiyon.

Gayunman, kinontra ito ng korte sa pagsasabing iligal ang pagsasakatuparan ng botohan kaya’t humantong ang sitwasyon sa kaguluhan.

READ  Panoorin! De Lima naiyak

Una nang iginiit ng president ng Catalan na si Carles Puigdemont na dapat humiwalay na ang Catalonia sa Espanya ngunit mariin itong kinontra ng Prime Minister ng Barcelona.

Malaki ang naiaambag ng rehiyon ng Catalonia sa ekonomiya ng Espanya.

Source link

4 SHARE

Post Comments