Dagdag na P21 sa minimum wage, epektibo na ngayon

     2 weeks ago
16
1 Comment
10 SHARE

 

Epektibo na ang dagdag na 21 pesos sa minimum wage ng mga private sector workers sa Metro Manila simula ngayong araw, October 5.

Base sa Wage Order No. RB NCR-21, inaprubahan ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board-National Capital Region ang pagtaas ng pang araw-araw na minimun wage ng mga non-agricultural workers sa 512 pesos mula sa 491 pesos.

Samantala, makakatanggap naman ng minimum wage rate na 475 pesos ang mga agriculture workers, mga nagtatrabaho sa retail/service establishments na may labing limang empleyado pababa at manufacturing establishments na may sampung empleyado pababa.

Ayon sa RTWPB-NCR, ikinonsidera ang naturang implementasyon matapos makita ang inputs ng iba’t ibang stakeholders mula sa grupo ng mga manggagawa at gobyerno sa consultation at public hearings.

READ  DSWD explores partnerships to prepare drug surrenderers for their return to society

Naging basehan din anila ang Republic Act 6727 o Wage Rationalization Act.

Samantala, hindi naman sakop ng wage order ang domestic workers, mga nagtatrabaho sa personal service at mga empleyado na rehistrado sa Barangay Micro Business Enterprises na may Certificate of Authority.

Samantala, ayon sa Associated Labor Unions-Trade Union Congress of the Philippines, mahigit 5 milyong minimum-waged workers mula sa Metro Manila at mga empleyado sa Bulacan, Cavite, Laguna at Batangas sa metropolis ang apektado ng naturang wage hike.

Source link

10 SHARE

Post Comments