Dalawang suspek sa pagnanakaw ng motorsiklo, patay sa follow-up operation ng mga pulis sa QC

     3 weeks ago
15
1 Comment
7 SHARE

Pauwi na ang isang motorcycle rider na si Jun Mendaño at binabagtas ang IBP Road nang harangin ng apat na motorsiklo at pwersahang pababain mula sa kanyang motor.

Tinutukan pa umano si Mendaño ng baril at tinadyakan sa tagiliran bago tinangay ng isa sa mga angkas ng grupo ang kanyang motor.

Ayon kay Mendaño, hindi niya namukhaan ang mga suspek dahil nakasuot ng mask at sombrero ang mga ito.

Pagkatanggap ng report ay kaagad na nagsagawa ng follow-up operation ang Quezon City Police Station 6.

At ilang oras matapos ang insidente ay humantong sa habulan at barilan ang operasyon, dahilan upang mapatay ang dalawang suspek na lulan ang motor ni Mendaño.

READ  De Lima: Bong Go, nag-utos na ibalik sa pwesto si Supt. Marcos

Ayon sa mga otoridad, bumuo sila ng checkpoint at nang mamataan ang motor ay pinara nila ito. Imbes na tumigil ay humarurot pa ang rider, dahilan upang sundan ito ng mga pulis.

Pagdating sa Freedom Park ay nagpaputok ang mga suspek, kaya naman napilitang gumanti ng putok ng mga pulis, dahilan sa agarang pagkamatay ng mga suspek.

Ayon kay Mendaño, sa kanya ang motor na sinasakyan ng mga suspek ngunit magsasagawa pa ng pagsisiyasat ang mga otoridad upang masiguradong pag-aari nga ito ng biktima.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Source link

7 SHARE

Post Comments