Dating sexy star Sabrina M. huli sa kasong illegal drugs

     12 months ago
425
Leave a Comment
90 SHARE

Sinampahan na ng kaso ang dating sexy actress na si Sabrina M.

Ayon kay Quezon City Police District chief Sr. Supt. Guillermo Eleazar, kinasuhan si Sabrina kasama ang dalawa nitong kasamahan dahil sa paglabag sa Section 5, 11 at 12 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Ang mga kaso ay isinampa sa Quezon City Prosecutors Office kaninang umaga.

Si Sabrina M o Karen Pallasigue sa tunay na buhay ay inaresto kahapon, September 26 sa isang buy-bust operation sa bahay nito sa Napocor Village, Barangay Pasong Tamo sa Quezon City.

Kasama ni Sabrina M na inaresto at kinasuhan sina Erwin San Martin at Edwin Locsin Coloma.

Post Comments