De Lima: Bong Go, nag-utos na ibalik sa pwesto si Supt. Marcos

     11 months ago
1259
1 Comment
205 SHARE

Tinukoy ni Sen. Leila de Lima si Presidential Management Staff (PMS) head at Executive Assistant Christopher “Bong” Go, na opisyal umanong binabanggit ni Philippine National Police (PNP) Chief Dir. Gen. Ronald “Bato” dela Rosa na nagpa-reinstate kay CIDG Region 8 Dir. Marvin Marcos.

Si Marcos ay una nang inalis sa pwesto, matapos matukoy siya na nasa likod ng pagsisilbi ng search warrant sa napatay na si Albuera, Leyte Mayor Ronaldo Espinosa, habang ito ay nasa kulungan.

Itinuro rin ito ni Kerwin Espinosa na isa sa mga nakinabang sa drug money nila, noong nabubuhay pa ang kaniyang amang alkalde.

Ayon kay De Lima, malinaw ang natanggap niyang impormasyon mula sa kaniyang source, na si Go ang tumawag kay Dela Rosa para ibalik sa tungkulin si Marcos.

READ  Mga Pinoy na nagawaran ng pardon sa Saudi, Bahrain at Qatar, iuuwi ni Duterte

“Bong Go. Let them deny that. If they deny, okay hindi naman ako ang source. I’m just quoting a source,” wika ni De Lima.

Tumanggi naman ang senadora na magbigay pa ng ibang impormasyon ukol sa nasabing development.

Sa kabila nito, wala naman daw nabanggit ang kaniyang source kung ang utos ng PMS head ay direktang nagmula kay Pang. Rodrigo Duterte.

Post Comments