De Lima, hindi sisipot sa harapang Kerwin at Dayan sa Lunes

     1 year ago
663
Leave a Comment
1k SHARE

Iginiit ni Senadora Leila De Lima na wala siyang balak dumalo sa Senate hearing sa punto kung kailan tetestigo na ang kaniyang dating driver bodyguard at kasintahan na si Ronnie Dayan na nakatakdang humarap sa Senado sa susunod na Linggo.

Ayon sa senadora, ayaw lang niyang makasaksi muli ng isa nanamang pagdinig kung saan babastusin lamang siya at uungkatin ang kaniyang prsonal na buhay.

Dagdag ni De Lima, aasahan na umano niyang “rehearsed” o nasabihan na sina Dayan at self-confessed drug lord na si Kerwin Espinosa na itugma ang kanilang mga testimonya na una nang mayroong inconsistencies sa huling Congressional inquiry.

READ  DoJ pinakakansela sa korte ang piyansa at kalayaan ng mga lider ng NPA

At kahit umano magtugma ang salaysay ng dalawa, sira naman na umano ang kredibilidad ng kanilang mga testimonya.

Matatandaang hindi nagtugma ang mga salaysay nina Dayan at Espinosa dahil ayon kay Espinosa, apat na beses siyang nagbigay ng drug money kay Daya para sa senatorial bid ni De Lima habang limang beses naman ang binaggit ni Dayan.

Post Comments