De Lima kay Duterte: Bakit palagi nalang ako.

     11 months ago
849
Leave a Comment
311 SHARE

Naglabas muli ng sama ng loob si Sen. Leila de Lima sa kung bakit tila siya ang laging pinupuntirya ng kampanya ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa iligal na droga.

Napuna kasi ng senadora na tila langing siya ang pinagkakaisahan, sa halip na habulin ng pamahalaan ang iba pang mga hinihinalang drug lords at kanilang mga protektor.

Ayon kay De Lima, bakit siya lang ang tanging kinasuhan at pinapangalanang drug “coddler” at “protector” gayong mayroon pa namang ibang hinihinalang mga drug personalities sa listahan ng pangulo tulad ng isang Peter Lim.

Dagdag pa ng senadora, bakit hanggang ngayon ay pawang mga maliliit na drug personalities lang ang napapatay, at umaabot pa rin sa sampu kada araw ang nasasawi.

READ  Protesters 'di papayagang makalapit sa centennial b-day events ni Marocs - AFP

Binanatan rin ng senadora ang banta ng pangulo na pagpatay sa mga drug users kapag lumabas sila ng bahay, dahil ani De Lima, pinapasok na ang mga ito sa kanilang mga tahanan at pinapatay pa rin.

Hindi rin aniya niya maintindihan kung bakit hanggang ngayon ay wala pa ring lumalabas na resulta ng mga imbestigasyon na isinagawa laban sa mga malalaking drug suspects.

Aniya pa, nasaan na nga ba ang sinasabing Peter Lim na may kaugnayan rin umano sa kalakalan ng iligal na droga, kasunod ng pagbanggit na may tatlong litrato si Lim kasama ang pangulo.

311 SHARE

Post Comments