De Lima kay Duterte: Itigil mo pag-inom ng drugs

     10 months ago
490
3 Comments
453 SHARE
Leila de Lima

Hindi pa man tuluyang nakakapahinga mula sa dinaluhan nitong conference sa Berlin, Germany ay agad nang binanatan ni Senator Leila De Lima si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon sa senadora, dapat nang itigil ni Pangulong Duterte ang pag-inom nito ng Fentanyl dahil nakakaapekto na umano ito sa kanyang pag-iisip.

Giit ni De Lima, baka nasosobrahan na ang pangulo sa kanyang gamot kaya lahat na lamang umano ng nakikita nito ay nagiging drug addict o di kaya’y drug lord.

Mababatid na una nang nagpahayag ng pagkabahala ang senadora sa posibleng side effects ng nasabing pain reliever na pinaniniwalaang nakakasama sa pag-iisip ng tao lalo kung aabusuhin ang pag-inom nito.

READ  Amnesty International tinawag na pakialamero ni Speaker Alvarez

Post Comments