De Lima kinasuhan na ng DoJ sa korte

     10 months ago
1768
2 Comments
959 SHARE
Senator Leila de Lima

Sinampahan ngayon ng kaso ng Department of Justice (DoJ) si Senator Leila de Lima sa Metropolitan Trial Court (MTC) National Capital Judicial Region sa Quezon City.

Reklamong paglabag sa Article 150 ng Revised Penal Code na tumutukoy sa pagsuway o hindi pagsunod sa patawag ng kongreso ang isinampa sa MTC sa Quezon City ni Assistant State Prosecutor Vilma Lopez-Sarmiento laban kay de Lima.

Nakasaad sa reklamo na noong Setyembre 28, 2016 ay nag-isyu ang House Committee on Justice ng House of Representatives ng subpoena kay Ronnie Dayan, ang driver-bodyguard at lover ni Sen. De Lima.

Pero dahil sa nabunyag na palitan ng text message nina De Lima at ng anak ni Dayan na si Hannah Mae ay ipinasabi ng senadora na magtago at huwag sumipot sa pagdinig ang kanyang dating driver dahil pagpipyestahan lamang sila.

READ  De Lima sa Netizen: “Respeto lang”

Ang paglabag sa nasabing probisyon ng Revised Penal Code ay may katapat na parusang multa o di kaya’y pagkabilanggo na hanggang anim na buwan.

Ang paghahain ng reklamo kay De Lima ay resulta ng complaint na isinampa nina Speaker Pantaleon Alvarez at Majority Leader Rodolfo Fariñas at House Committee on Justice chairman at Oriental Mindoro Rep. Reynaldo Umali sa DoJ noong nakaraang linggo.

Pirmado ni Acting Prosecutor General Jeorge Catalan ang kautusan para masampahan ng kaso si De Lima kaugnay sa paglabag sa Article 150 ng Revised Penal Code.

959 SHARE

Post Comments