De Lima pinayuhan ni Drilon na iapela ang desisyon ng Supreme Court

     2 months ago
22
Leave a Comment
3 SHARE

Hindi pa umano tapos ang laban para kay Sen Leila de Lima matapos na magdesisyon ang Korte Suprema na nagbabasura sa petisyon ng senadora

Ayon kay Sen. Franklin Drilon, maaari pang maghain ng motion for reconsideration si de Lima sa Korte Suprema upang mabaligtad ang naunang desisyon

Paliwanag ni Drilon, kailangan lamang na kumbinsihin ng kampo ni de Lima ang 2 sa 9 na mahistrado na bumoto para ibasura ang hiling ng senadora

Sa botong 9-6, ibinasura ng Supreme Court ang petisyon ng senadora na kumukwestyon sa hurisdiksyon ng tatlong sangay ng korte sa Muntinlupa na dumidinig sa drug cases na isinampa laban sa kanya

READ  Posibleng pagkulungan kay Gov. Imee Marcos sa Kamara, ipinasilip sa media

Sa kabila nito, iginiit ni Drilon na bagaman hindi siya sumasang-ayon pero nirerespeto niya ang desisyon ng SC.

Ayon kay Drilon, sa kanyang karanasan bilang abogado at dating executive secretary, malinaw na ang Ombudsman ang may hurisdiksyon para dinggin ang kaso ni de Lima.

Source link

3 SHARE

Post Comments