Debbie Reynolds, mother of Carrie Fisher, dies

     12 months ago
115
Leave a Comment
21 SHARE

Isang araw matapos pumanaw si Carrie Fisher ng Star Wars, pumanaw na rin kaniyang ina na si Debbie Reynolds.

Sa ulat ng TMZ, nasawi ang 84-anyos na si Reynolds matapos itong isugod sa ospital nang siya ay atakihin sa puso.

Nag-aasikaso umano noon si Reynolds at anak niyang si Todd para sa funeral plans kay Carrie nang maganap ang insidente.

Si Reynolds ay nakilala sa 1952 classic na “Singin’ in the Rain”.

Taong 1959 nang makipaghiwalay ito sa kaniyang mister na si Eddie Fisher at saka dalawang beses na muling nagpakasal taong 1960 at 1984.

Gumanap din siya sa “Tammy and the Bachelor” at “The Unsinkable Molly Brown” kung saan nagkaroon siya ng nominasyon sa Oscar.

READ  New study disproves 'global warming hiatus'
21 SHARE

Post Comments