Deklarasyon ng martial law sa Mindanao, pinaburan ng Korte Suprema

     5 months ago
339
Leave a Comment
336 SHARE

Pinagtibay ng Korte Suprema ang deklarasyon ng martial law ni Pangulong Rodrigo Duterte sa buong Mindanao.

Sa botong 11-3-1, ibinasura ng Mataas na Hukuman ang mga petisyon na humihiling na mabasura ang martial law declaration.

Sa desisyon ng SC, 11 ang nagsabing legal ang pagkakadeklara ng martial law sa buong Mindanao.

Tatlo naman sa mga mahistrado ang bumoto para paburan ang petisyon partially at sinabing dapat limitado lamang sa Marawi City ang deklarasyon.

Habang isa naman ang bumoto pabor sa mga nagpetisyon.

Lahat ng 15 mahistrado ay mayroong isinumiteng kani-kaniyang opinyon sa kanilang desisyon na nakatakdang ilabas ng Korte Suprema bukas.

READ  Aguirre hindi sangkot sa BI bribery scandal - Sombero

 

 

Source link

336 SHARE

Post Comments