Dela Rosa, binisita ang Quiapo blast site

     7 months ago
175
Leave a Comment
0 SHARE

Personal na bumisita si PNP Chief Dir. Gen. Bato Dela Rosa sa blast site sa Quiapo, Maynila.

Ayon kay Dela Rosa, ‘isolated case’ lamang ito ng ‘gang war’ at walang kinalaman sa ginaganap na ASEAN Summit dito sa Pilipinas.

Tiniyak rin ng PNP Chief na walang dapat ikabahala ang lahat kaugnay ng seguridad ng publiko.

Ayon kay NCRPO Chief Oscar Albayalde, isang ‘home-made’ na ‘pipe bomb’ ang pinasabog sa naturang peryahan.

Isinantabi rin ni Albayalde ang posibilidad na may kaugnayan ang naganap na pagsabog sa isinasagawang ASEAN Summit dito sa Maynila.

Ayon kay Albayalde, masyadong maliit ang ginamit na bomba, at wala namang masyadong naging pinsala sa ari-arian, kundi doon lamang sa mga biktimang malapit rito.

READ  Pres. Duterte pinirmahan na kautusan sa tuluyang pagtigil ng peace talks sa CPP-NPA

Aabot sa 11 katao ang sugatan, kabilang ang lima na nagtamo ng matitinding tama sa katawan.

Dinala ang mga biktima sa iba’t ibang ospital, kabilang ang Philippine General Hospital, Manila Doctors Hospital, Mary Child Hospital at Ospital ng Sampaloc.

Inaalam pa rin hanggang sa ngayon ang pagkakakilanlan ng mga biktima.

Source link

0 SHARE

Post Comments