Dela Rosa, gusto nang tawaging ‘Bato-gan’ ni Gordon dahil sa araw-araw na patayan

     7 days ago
84
Leave a Comment
30 SHARE

 

Nagbanta si Senador Richard Gordon kay PNP Chief Ronald ‘Bato’ Dela Rosa na tatawagin niya itong ‘Bato-gan’ kung hindi mapipigilan ang mga kaso ng araw-araw na pagpatay ng mga suspek na lulan ng motorsiklo o ‘riding-in-tandem’ sa bansa.

Giit ni Gordon, dapat agad na asikasuhin ni Dela Rosa ang mga pagpatay ng mga naka-motorsiklong suspek na kung minsan ay nagawang pumaslang ng mga biktima kahit mataas pa ang sikat ng araw.

Sa halip aniya na unahin ang pag-aasikaso sa reinstatement ni Supt. Marvin Marcos na nasangkot sa pagpatay kay Mayor Rolando Espinosa, dapat ay ang kriminalidad muna ang trabauhin nito.

Kung hindi aniya magagawan ng solusyon ni Dela Rosa ang riding in tandem killings, sisisimulan niya itong tawaging ‘Bato-gan’.

Source link

30 SHARE

Post Comments