Dela Rosa sa mga bagong pulis: Dapat kayo ang buhay ang mga kriminal ang patay

     7 months ago
26
Leave a Comment
0 SHARE

Pinayuhan ni Philippine National Police Chief Ronald Dela Rosa ang 98 na mga miyembro ng PNPA Masidlak Class 2017 na huwag mamili ng assignment bilang mga bagong pulis.

Sa isinagawang Badge of Honor Ceremony sa Camp Crame, pinayuhan din ni Dela Rosa ang mga bagong pulis na isuot ng may pagmamalaki ang kanilang mga bagong tsapa.

Iginiit ni Bato sa mga bagong pulis na huwag lumapit sa mga pulitiko para makuha ang gusto nilang assignment.

Hindi umano matitiyak na baka nasa assignment ang suywerte tulad niya na gustong gusto na ma-assign sa Special Action Force noon pero naitalaga sa Davao City dahil kapalaran pala niya ang maging PNP Chief.

READ  Don’t ‘pervert’ presidential pardon powers, former govt execs tell Duterte

Samantala, sinabihan rin ni Bato ang mga pulis na magsanay sa kanilang mga bagong baril o mag-dry fire para makatiyak na kapag dumating ang pangangailangan sila ang buhay at ang kriminal ang patay.

Source link

0 SHARE

Post Comments