Dela Rosa: Vigilante posibleng pumatay sa 2 suspek sa Bulacan massacre

     5 months ago
142
Leave a Comment
20 SHARE

Hindi isinasantabi ni PNP Chief Ronald Dela Rosa na maaring kagagawan ng vigilante ang pagpatay sa dalawang “persons of interest” na isinasangkot sa pagmasaker sa isang pamilya sa San Jose Del Monte Bulacan.

Paliwanag ni Dela Rosa, kung pagbabasehan ang uri ng pagpatay sa mga persons of interests na sina Ronald Pacinos alyas “Inggo” at Roosevelt Sorima, alyas “Pong” ay mistulang may galit ang salarin sa dalawa.

Pero agad namang dumpensa si Dela Rosa sa pagsasabing hindi pulis ang pumatay sa dalawa kahit nag- utos si Pangulong Rodrigo Duterte na dukutin, patayin at itapon sina alyas Ponga at Inggo.

Maari aniyang may ilang indbidwal ang may galit sa dalawa.

READ  Mga kabataang apektado ng gulo sa Marawi, posibleng mag-aklas na rin laban sa gobyerno-UP professor

Kasabay nito, inatasan na ni Dela Rosa ang Bulacan PNP na magsagawa ng imbestigasyon sa pagkakapatay sa dalawang persons of interest.

Sina alyas “Ponga” at “Inggo” ang idinadawit ng suspek na si Carmelino Ibanez na kasamang pumatay sa mga biktimang sina Auring Carlos, Estrella Carlos at tatlo nitong anak.

Source link

20 SHARE

Post Comments