Dep. Ombudsman Carandang, Ombudsman for Mindanao Elman, kinasuhan na sa Office of the President

     3 weeks ago
31
1 Comment
6 SHARE

Pormal nang sinampahan ng kasong administratibo sa Office of the President (OP) sa Malacañang sina Overall Deputy Ombudsman Arthur Carandang at Deputy Ombudsman for Mindanao Rodolfo Elman ng grupo ng mga abogado.

Pasado alas-10:00 kaninang umaga nang sinampahan nina Atty. Manuelito Luna, Atty. Eligio Mallari ng kasong administratibo sina Carandang at Elman ay nakabatay sa graft and corruption at betrayal of public trust at paglabag sa Civil Service Code.

Batay sa reklamo nina Atty. Luna at Atty. Mallari, lumabag sa Code of Ethical Standard sina Carandang at Elman dahil sa paglalabas ng umano’y records ng mga bank account ni Pangulong Rodrigo Duterte mula sa Anti-Money Laundering Council (AMLC) na sinasabing labag sa rules and regulations ng Ombudsman sa mga ginagawang imbestigasyon.

READ  NBI nagsagawa nang inspection sa bahay ni Iloilo Mayor Mabilog

Ayon kina Atty. Luna at Mallari, itinanggi AMLC ang naturang bank records na siyang hawak ni Senador Antonio Trillanes IV na ginagamit sa mga paratang ng umano’y hindi maipaliwanag na yaman ni Pangulong Duterte.

Ang Overall Ombudsman at mga Deputy Ombudsman ay nasa supervison at control ng Office of the President.

Kung mapapatunayang nagkasala sa kasong administratibo sina Carandang at Elman, papatawan sila ng parusang pagkakasibak sa kanilang puwesto.

Source link

Post Comments