DFA: NoKor dapat bumalik sa negotiating table; ASEAN handang pangasiwaan ang dialogue

     3 months ago
19
Leave a Comment
0 SHARE

Hinikayat ngayon ni Foreign Affairs Sec. Alan Peter Cayetano ang North Korea na bumalik sa negotiating table kasunod ng isinagawa nitong hydrogen bomb test na ikinabahala ng international community.

Sinabi ni Sec. Cayetano, nakahanda ang ASEAN na pangasiwaan at pumagitna para sa makabuluhang dialogue.

Si Cayetano ay nagkataong nasa Seoul, South Korea para sa isang official visit nang isagawa ng Pyongyang ang nuclear bomb test.

Siya ay nakipagpulong kina Foreign Affairs Assistant Secretary for Asia-Pacific Affairs Millicent Cruz-Paredes at Ambassador to Seoul Raul Hernandez para talakayin ang tensyon sa Korean peninsula.

Una rito, nagpahayag ng pagkabahala ang Department of Foreign Affairs (DFA) kasunod ng isinagawang “hydrogen bomb test” ng North Korea.

READ  Sison kay Duterte: Huwag mo kaming maliitin

Inihayag ni Cayetano sa isang statement na ang ganitong aksyon ng Pyongyang ay banta sa katatagan at kapayapaan sa rehiyon.

Ayon kay Sec. Cayetano, maliban sa tahasang pagbalewala ng North Korea sa mga commitment nito sa United Nations Security Council resolutions, nililimitahan ng ginawang hydrogen bomb test ang mga opsyon sa makabuluhang diyalogo para maresolba tensyon sa Korean Peninsula.

Kasabay nito, inatasan ni Cayetano ang Embahada ng Pilipinas sa Seoul na tiyaking maabisuhan ang nasa 65,000 Pilipinong nakatira at nagtatrabaho sa South Korea kaugnay sa mga contingency plans para sa posibleng repatriation sakaling humantong sa giyera ang sitwasyon sa rehiyon.

READ  ASEAN Migrant Workers Protection agreement, 'historic document' - Duterte

Pinayuhan din ng DFA ang mga Pilipino sa South Korea na i-monitor ang social media accounts ng Philippine Embassy para sa mga emergency alerts at advisories.

Source link

Post Comments