DND chief Lorenzana: Missile tests ng NoKor mapanganib, maaring bumagsak sa Phl ang bomba

     3 months ago
16
Leave a Comment
0 SHARE

Nagpahayag ng matinding pagkabahala si Defense Sec. Delfin Lorenzana kaugnay ng panibagong ballistic missile test ng North Korea kung saan bumagsak ang mga debris sa Pacific Ocean.

Sinabi ni Sec. Lorenzana sa press briefing sa Malacañang, mapanganib ang pinaggagawa ng North Korea lalo hindi “accurate” ang kanilang teknolohiya kung saan maaring sumablay at bumagsak pa sa Pilipinas ang bomba.

Ayon kay Lorenzana, hindi pa naman daw basta-basta ang lakas ng mga nasabing bomba na sinasabing 18 beses na mas malakas kumpara sa mga inilaglag ng US noon sa Hiroshima, Japan noong ikalawang digmaang pandaigdig.

Sa ngayon, may inihahanda umano silang contingency plan sakaling humantong sa giyera ang tensyon sa Korean peninsula partikular kung paano ilikas ang nasa 26,000 Pilipino sa South Korea.

READ  Duterte: Lahat ng konektado, legal fronts ng NPA, aarestuhin

Source link

Post Comments