DND, nag-sorry sa paggamit ng maling logo ng Chinese Ministry of Defense sa handover ceremonies ng mga donasyon na armas

     2 weeks ago
16
Leave a Comment
2 SHARE

Humingi ng paumanhin ang Department of National Defense (DND) sa maling pag-gamit ng logo ng Chinese Ministry of Defense sa isinagawang handover ceremonies ng mga donasyong armas mula sa China.

Sa halip kasi na logo ng China, ay logo ng Taiwanese Ministry of Defense ang nailagay sa tarpaulin noong nakalipas na handover ceremony.

Sa isang pahayag, sinabi ni DND Spokesperson Arsenio Andolong na ang paglagay ng maling logo sa banner ng naturang event ay hindi sinasadya.

Paliwanag nya, ipinaabot ng pamahalaan ng Pilipinas ang isang official apology sa China at sa mga mamayan nito, kasabay ng pagtiyak na hindi na mauulit ang nangyaring insidente.

READ  DEATH PENALTY | VP Robredo urges lawmakers' initiative toward 'defining moment'

Magugunitang personal na tinanggap ni Defense secretary Delfin Lorenzana at Armed forces og the Philippines (AFP) Chief Gen Eduardo Año mula kay Chinese Ambassador Zhao Jianhua, ang 3,000 M4 rifle at 90 sniper scopes sa simpleng seremonya sa Camp Aguinaldo

Samantala, umaasa naman ang opisyal na ang insidente ay hindi sana maging hadlang sa patuloy na gumaganadang ugnayan ng Pilipinas at China.

Source link

2 SHARE

Post Comments