DOJ, ipapakansela ang passport ng suspek sa pagkamatay ni Atio na lumabas sa bansa

     3 months ago
25
Leave a Comment
5 SHARE

Ipapakansela ni Department of Justice (DOJ) ang passport ng isa sa mga suspek sa pagkamatay ng University of Santo Tomas (UST) law student na si Horacio Tomas Castillo III.

Base sa record ng Immigration ay umalis si Ralph Caballes Trangia sa bansa noong September 21 sakay ng flight BR262 na patungong Taiwan.

Si Trangia ay isa sa 16 na inilagay sa Immigration Lookout Bulletin Order (ILBO) ni DOJ Sec. Vitaliano Aguirre kahapon.

Binigyan ng direktiba ang mga Immigration officers kaugnay ng ILBO na ipaalam sa Office of the Secretary at ng Office of the Prosecutor General kung meron sa 16 ang magtatangkang umalis ng bansa.

READ  Bicam panel approves final version of free public WiFi bill | News5

Kaugnay nito, ang ILBO ay walang kakahayang pigilan ang mga ito na umalis ng bansa dahil iba ito sa Hold Departure Order na inilalabas ng korte.

Ayon kay Aguirre, kanyang ring ipag-uutos sa National Bureau of Investigation (NBI) na makipagugnayan sa Interpol para mahanap si Trangia.

Matatandaang nadiskubre ang walang ng buhay ng katawan ni Castillo umaga ng linggo sa Tondo, Maynila.

 

Source link

5 SHARE

Post Comments