‘Dr. Mahmud bagong lider ng ISIS-Maute? 8 foreign terrorists target ngayon ng AFP ops’

     1 month ago
45
Leave a Comment
4 SHARE

Patuloy pa umanong kinukumpirma ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kung ang Malaysian doctor na si Mahmud Ahmad na kilala ring Abu Handzalah ang tumatayong lider na ngayon ng mga natitira pang ISIS-Maute terror group sa Marawi City.

Ito ay matapos mapatay sina Omar Maute at Isnilon Hapilon na siyang kinikilalang emir ng ISIS sa Southeast Asia.

Sinabi ni AFP spokesman Major Gen. Restituto Padilla, si Dr. Mahmud ay financier at may direktang link o koneksyon sa ISIS international terror group.

Ayon kay Padilla, kasama ni Dr. Mahmud sa Marawi City ang walo pang foreign terrorist na lumalaban pa ngayon sa tropa ng pamahalaan.

READ  'BRING 'EM HOME' | Oops! Rody meant amnestied Pinoys, not those on death row

Batay sa ilang lumabas na record si Mahmud ay isang Malaysian professor ng Islamic law.

Noong 1990 nagtungo ito ng Pakistan at nakapag-aral hanggang sa makapagtapos umano ng dalawang bachelor degrees sa International Islamic University, Islamabad.

Meron din daw itong masters degree sa International Islamic University Malaysia at doctoral degree mula sa University of Malaya.

Naging senior lecturer ito sa Department of Aqidah at Islamic Thought sa Academy of Islamic Studies sa University of Malaya.

Noon naman huling bahagi ng 1990, nagsanay din daw ito sa Al-Qaeda training camp sa Afghanistan.

Mula nang bumiyahe ito patungo umano ng Pilipinas noong kalagitnaan ng taong 2014 ay inilagay na ito ng Malaysia sa kanilang most wanted list.

READ  Samsung finally unveils the Gear 360!

Samantala, tiniyak naman ng heneral ang kahandaan ng militar laban sa posibleng retaliatory attack ng mga sumisimpatiyang grupo sa Maute group.

Partikular daw na kanilang binabantayan ang galaw nf Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa Maguindanao at iba pang maliliit na grupo sa Basilan at Sulu.

Source link

Post Comments