‘Drug list’ ni Duterte lalong kumakapal habang ina-update – PDEA chief Aquino

     2 months ago
31
Leave a Comment
0 SHARE

Ipinahayag ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) director-general Aaron Aquino na hindi pa naisasama sa hawak ni Pangulong Rodrigo Duterte na “drug list” ang lahat ng mga sangkot sa iligal na droga sa bansa.

Sinabi sa Bombo Radyo ni Gen. Aquino, maaaring triple o mas makapal pa ang “drug list” kung maisasama ang lahat ng mga drug personalities na sangkot sa illegal drugs.

Ayon kay Aquino, sa kanilang patuloy na pagbibigay ng update kay Pangulong Duterte, pakapal ng pakapal ang listahan dahil may sariling impormasyon din ang PNP, NBI at iba pang enforcement agencies.

Aminado si Aquino na sa kabila ng maigting na kampanya laban sa iligal na droga kung saan marami na ang napapatay, hindi pa rin natitinag ang mga drug lords at drug pushers sa kanilang iligal na negosyo.

READ  President Rodrigo Duterte Reveals That He Was Once Hospitalized Due to HazingTrending News Portal

Bilyong-bilyon daw kasi ang pinag-uusapan kaya ayaw ng mga sangkot sa droga na tumigil na.

The post ‘Drug list’ ni Duterte lalong kumakapal habang ina-update – PDEA chief Aquino appeared first on Bombo Radyo Philippines.

Source link

Post Comments