Drug suspect patay sa buy bust operation sa Santa Maria, Bulacan

     3 months ago
24
Leave a Comment
0 SHARE

Patay ang isang drug suspect matapos nito umanong manlaban sa mga pulis sa ikinasang drug buy bust operation sa Barangay Poblacion sa bayan ng Santa Maria sa Bulacan.

Kinilala lamang ang target ng naturang operasyon at suspek sa alyas na Manok.

Ayon sa hepe ng Santa Maria Police na si Police Superintendent Raniel Valones, bumili ang isang pulis na nagpanggap bilang isang buyer mula kay alyas Manok ng isang sachet ng shabu na nagkakahalaga ng limandaang piso.

Nang aktong huhulihin na ang suspek ay bigla umano itong bumunot ng baril at pinaputukan ang pulis na katransaksyon.

Dahilan ito upang gumanti ng putok ang mga otoridad na nagresulta sa pagkamatay ni alyas Manok.

READ  Duterte orders completion of post-‘Yolanda’ relocation in Tacloban by March

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad sa naturang insidente.

Samantala, maswerte namang hindi natamaan ang pulis na nagpanggap na buyer matapos itong paputukan ni alyas Manok.

 

 

 

Source link

0 SHARE

Post Comments