Drug war, hindi ititigil pero kailangang repasuhin – Palasyo

     2 weeks ago
9
Leave a Comment
4 SHARE

Tinanggihan ng Malacañang ang panawagan ni Sen. Kiko Pangilinan sa Duterte administration na itigil na ang “war on drugs” kasunod ng mga nangyayaring patayan partikular sa 17-anyos na si Kian Lloyd delos Santos.

Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, hindi maaaring itigil ang kampanya laban sa iligal na droga at “committed” si Pangulong Rodrigo Duterte na tapusin ang salot sa lipunan.

Pero ayon kay Abella, aminado silang kailangang repasuhin ang paraan ng pagpapatupad ng kampanya.

Una nang sinabi ni Pangulong Duterte na kung hindi siya kikilos ngayon para makontrol ang droga, malalagay sa peligro ang susunod na henerasyon ng mga Pilipino.

“One, the campaign against drugs, illegal drugs is something that the President is entirely committed — his entire administration. However, the manner in which these things are carried out need to really be re-examined,” ani Abella.

Source link

Post Comments