Duktor, 2 retiradong pulis, 6 na iba pa, arestado sa drug buy-bust operations a QC

     2 months ago
515
13 Comments
137 SHARE

Arestado sa ikinasang drug buy-bust operation ng Quezon City Police District (QCPD) ang isang practicing doctor, dalawang retiradong pulis at anim na iba.

Ayon kay QCPD Director, Chief Supt. Guillermo Eleazar, unang isinagawa ang operasyon laban kay Mark Anthony Pangilinan alyas Makmak at ka-live in nitong si Maybelle Tulang sa Barangay Doña Imelda.

Sa nasabing operasyon, itinuro ni Makmak na sa isang duktor ang supplier niya ng shabu at ilang buwan na siyang bumibili dito.

Dahil dito, natunton ng mga operatiba ang kinaroroonan ni Dr. Amante Valdepenas, at dalawang kasama nitong retiradong pulis na kinilalang sina retired PO3 Almario Cristobal at retiored PO1 Rommel Nogoy.

READ  Duterte: Dr. Mahmud nakuha na ng militar sa Marawi City

Mariing itinanggi ni Valdepenas na isang orthopedic doctor na nagbebenta siya ng shabu, pero mismong ang mga naarestong kasama nito ang nagtuturo sa kaniya.

Nakuhanan ang grupo ng 8 pakete ng shabu.

Ayon kay Cristobal, nagsimula siya sa paggamit ng ilegal na droga mula nang siya ay magretiro at nakilala niya si Valdepenas makaraang magrekomendas siya dito ng isang pasyente.

Nadakip din ang kinakasama ni Cristobal na si Leni de Guzman.

Habang itinanggi naman ni Nogoy na gumagamit siya ng droga at sa halip, sinabi niyang kakilala niya lang ang duktor.

READ  no more DFA post for me; President wants me to stay in Senate

Dinakip din ang driver ng duktor na si Raymond Valle.

Pansamantalang ikinulong ang mga naaresto sa Galas Police Station.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Source link

137 SHARE

Post Comments