Dureza: Gastos sa CPP-NDF peace talks sayang lang kung wala ring mangyayari

     2 months ago
17
Leave a Comment
3 SHARE

Naniniwala si Presidential Adviser on the Peace Process Jesus Dureza na tama ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na gastos lamang ang pagpapadala ng mga government peace negotiators sa Norway at wala ding magandang kahinatnan ang peace talks sa CPP-NPA-NDF.

Sinabi sa Bombo Radyo ni Sec. Dureza, totoong sayang lang ang gagastusin sa kanilang pamasahe sa eroplano, hotel accommodation sa abroad at wala ding mangyayari.

Ayon kay Dureza, hindi naman kaila ang naibigay ng concession ni Pangulong Duterte gaya ng pagpapalaya sa mga presong makakaliwa, nagbigay ng posisyon sa gabinete at nagdeklara pa ng unilateral ceasefire pero patuloy pa rin ang pag-atake ng mga rebelde.

READ  ‘Don’t talk about expanding martial law,’ Ramos urges Duterte | News5

Pero sa kabila nito, nilinaw naman ni Dureza na hindi pa naman sila ganap na sarado sa peace process.

Katunayan, naniniwala daw si Dureza na nananatili ang hangarin ng pangulo na magkaroon ng pangmatagalang kapayapaan.

“So assessment ng ating pangulo eh mukhang, kung ganun pa rin ang takbo eh sayang lang. Kaya totoo ang sinasabi niya na sayang lang,” ani Dureza sa Bombo Radyo.

Source link

Post Comments