Duterte: 2M reward para sa mga ‘Ninja Cops’

     1 year ago
961
1 Comment
188 SHARE

Muling ipinag-utos ngayon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga pulis lalo ang mga hinarap sa region 9 na tugisin ang mga kabaro o kapwang pulis na sangkot sa iligal na droga.

Sinabi ni Pangulong Duterte, maituturing na treason ang ginagawa ng mga tinaguriang ‘ninja cops’ na nagbebenta ng mga nakukumpiskang iligal na droga.

Ayon sa Pangulong Duterte, nakahanda ang P2 million na special reward sa makakaaresto o makakapatay ng ‘ninja cop.’

“P2 million per head, special price because they are police,” sabi ni Duterte

Kasabay nito ang paalala ni Pangulong Duterte sa mga pulis na prayoridad ang pag-aresto sa mga suspek na nasa drug matrix pero kung manlaban o may armas, dapat unahan na nila bago pa man sila ang mapatay.

READ  Duterte to military: cease-fire with CPP-NPA rebels is lifted

Post Comments