Duterte: Ako ang nagpabalik kay Supt. Marcos

     11 months ago
1513
1 Comment
191 SHARE

Pinutol na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga ispikulasyon kung sino nga ba ang mataas na opisyal na tumawag kay PNP chief Director General Ronald Dela Rosa para mapanatili sa kaniyang puwesto si PSupt. Marvin Marcos bilang chief ng Criminal Investigation and Detection Group sa Eastern Visayas.

Ayon sa pangulo, inutusan niya si Secretary Christopher “Bong” Go na tawagan si dela Rosa at kaniya rin itong kinausap.

Dagdag pa niya na ang dahilan kung bakit pinapanatili niya si Marcos sa puwesto ay para mabantayan ang galaw nito sa mga iligal na aktibidad.

Reaksyon ito ng pangulo sa naging pagsiwalat ni Senator Leila de Lima na si Go ang tumawag kay dela Rosa para huwag tanggalin sa puwesto si Marcos.

READ  Bato, hindi sasantuhin ang mga papangalanan ni Kerwin

Nauna rin na sinabi ng Chief PNP na hindi ang pangulo at Go ang nakausap niya at sa halip ay kaniyang ninong.

“Ganito yan, si Bong inoderan ko, call. By the time pinasa niya, ang sumagot si dela Rosa. Sabi ko, do not remove the guy because kasali yan sa… I am doing an investigative job. Natapos na yun, si Dolina was cleared. Marcos, positive. Kasi I was keeping track of his movements. Alisin mo ako doon, mawala bigla ang… Mawala lahat. Hindi ko masundan,” ani Pangulong Duterte.

Pakinggan ang sagot ni Pres. Duterte sa interview.

191 SHARE

Post Comments