Duterte at Trump, OK ituloy ang defense treaty, EDCA, military exercises

     1 week ago
18
Leave a Comment
13 SHARE

Pinagtibay umano nina Pangulong Rodrigo Duterte at US President Donald Trump ang kanilang commitment sa Mutual Defense Treaty of 1951 na pinalakas pa sa  Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA).

Nakapaloob ito sa joint statement ng Estados Unidos at Pilipinas sa inilabas na kopya ng The White House Office of the Press Secretary matapos ang bilateral meeting nina Pangulong Duterte at President Trump.

Magugunitang nagbanta noon si Pangulong Duterte na ipapawalang-bisa ang EDCA, itigil na ang US-Phl Balikatan Military Exercises at balak niyang limitahan hanggang tuluyan ng mapaalis ang mga sundalong Amerikano sa Pilipinas.

Batay sa joint statement, tinalakay nina Pangulong Duterte at Trump ang mga panukala para suportahan ang tulong ng US sa modernisasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

READ  PH ‘rights calamity’ cited in HRW World Report highlighting rise of ‘authoritarian populists’

Pinagtibay din umano ng dalawang lider ang US-Philippines defense cooperation, defense capabilities and interoperability at pagpapaigting sa mga joint activities gaya sa disaster response at cybersecurity.

“The two sides reaffirmed their commitment to the Mutual Defense Treaty of 1951, as reinforced by the Enhanced Defense Cooperation Agreement. The two sides discussed proposals to support the United States’ efforts to help modernize the Armed Forces of the Philippines, develop capacity and capability for maritime security and domain awareness, and provide rapid humanitarian assistance. They also reaffirmed their commitment to continue defense cooperation, including by reinforcing respective national defense capabilities and interoperability and enhancing joint activities, disaster response, and cybersecurity,” bahagi ng joint statement.

READ  Royal Australian Navy ship nasa bansa para sa goodwill visit

Source link

Post Comments