Duterte byaheng Brunei ngayong gabi

     3 weeks ago
15
Leave a Comment
0 SHARE

Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Executive Sec. Salvador Medialdea bilang caretaker ng bansa.

Ito ay habang nasa Brunei ang pangulo para sa isang official visit mamayang gabi hanggang san a tatagal hanggang buwakas October 6.

Sa ipinalabas na special order 897, Si Medialdea ang mangangasiwa sa pang araw-araw na gawain ng pangulo para patakbuhin ang bansa.

Inaasahang bago mag-alas otso ng gabi ay lilipad ang eroplano ng pangulo patungo sa Brunei para dumalo sa golden jubilee celebration bilang pinuno ng nasabing bansa ni Sultan Hajji Hassanal Bolkiah.

Bago umalis ang pangulo papunta sa Brunei ay dumalo muna siya sa turnover ceremony ng bagong pinuno ng Philippine Army at isang pagtitipon ng mga business leaders sa World Trade Center sa Pasay City. / Chona

READ  Solgen jumping the gun, ‘tying Duterte’s hands’ in seeking re-arrest of NDFP consultants – lawyer | News5

Source link

0 SHARE

Post Comments