Duterte dumalaw sa burol ng napatay na pulis sa drug operation sa Caloocan City

     3 months ago
36
Leave a Comment
12 SHARE

Dinalaw ni Pangulong Rodrigo Duterte ang lamay ni PO3 Junior Hilario ng Caloocan City Police Community Precinct 3 (PCP 3) sa Neo Vista Subdivision sa Bagumbong, Caloocan City.

Napatay sa isang police operations ang nasabing pulis nang pangunahan niya drug raid sa Bagong Silang sa nasabing lungsod noong September 8.

Patay rin sa nasabing operasyon ang drug pusher na si Jason dela Cruz na kabilang sa order of battle ng PNP.

Tiniyak ng pangulo sa mga naulila ni Hilario na makukuha nila ang pahat ng mga benepisyo sa lalong madaling panahon.

Kasabay nito ay muling inulit ng pangulo na kakampihan niya ang mga tauhan ng pulisya na nasa likod ng mga operasyon kontra droga.

READ  Bakbakan sa pagitan ng NPA at mga sundalo, nagpapatuloy pa rin

Kasunod naman ito ng babala na siya mismo ang tatapos sa career ng mga pulis na sasabit naman sa mga kalokohan at ilang mga iligal na gawain.

Source link

12 SHARE

Post Comments