Duterte: ‘Go ahead’ patalsikin ang Phl sa UN kung kaya niyo

     2 weeks ago
23
Leave a Comment
0 SHARE

Hinamon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga nagbabantang patalsikin ang Pilipinas sa United Nations (UN) na ituloy ang kanilang balak.

Sa relaunching ng Press Briefing Room sa Malacañang, sinabi ni Pangulong Duterte na akala yata nila ay kawalan ng Pilipinas ang UN partikular ang ibinibigay nitong financial assistance.

Ayon kay Pangulong Duterte, duda siyang magtatagumpay ang mga gustong patalsikin ang Pilipinas sa UN dahil hindi ito papayagan ng China, Russia, at Association of Southeast Asian Nations countries na nakaupo sa UN Security Council.

Kasabay nito, inihayag ng pangulo na hindi naman pababayaan ng Russia at China ang Pilipinas na nakahandang tumulong sa ekonomiya at sa pagpapalakas sa militar ng bansa.
Top

READ  Amelia Veloso, CNN Philippines anchor and senior correspondent; 43

The post Duterte: ‘Go ahead’ patalsikin ang Phl sa UN kung kaya niyo appeared first on Bombo Radyo Philippines.

Source link

Post Comments