Duterte, iginiit na itigil na ang pagkukumpara sa kanya kay dating Pangulong Marcos

     4 months ago
39
Leave a Comment
18 SHARE

Iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga kritiko na itigil ang pagkukumpara sa kaniya kay dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Ito ay kaugnay sa pagnanais ng pangulo na manatili ang implementasyon ng batas militar sa Mindanao hanggang sa katapusan ng taon.

Ayon sa Punong Ehekutibo, hindi tama ang ginagawang pagkukumpara at dapat aniyang husgahan siya sa kung ano ang kaniyang pinagdaanan bilang lider.

Paliwanag pa nito, isa aniyang “stop-gap measure” ang pagpapalawig ng batas militar na layong protektahan ang mga apektadong residente sa Marawi City.

Ipinunto din ng pangulo na handa siyang ibaba ang batas militar oras na matiyak nawala nang anumang banta ng rebelyon at terorismo sa rehiyon.

READ  3 hurt as motorcycle burst into flames upon collision in Isabela

Source link

18 SHARE

Post Comments