Duterte inaabangan kung haharapin ang EU ngayong araw

     1 week ago
14
Leave a Comment
12 SHARE

Inaasahang muling magkakaharap sina Pangulong Rodrigo Duterte at US President Donald Trump, huling araw ng 31st ASEAN Summit and Related Meetings.

Bandang 1:30 mamayang hapon isasagawa ang 12th East Asia Summit (EAS) kung saan kapwa dadalo ang dalawang lider.

Kahapon nagkaroon ng bilateral meeting sina Pangulong Duterte at Trump maliban pa sa kanilang paghaharap sa ASEAN-US Summit.

Sa nasabing meeting, kapwa puring-puri ng dalawang lider ang bawat isa, lalo na si Trump na tiniyak ang pananatili ng matatag na relasyon ng US at Pilipinas at siya ay kaibigan ng Duterte administration.

Samantala, inaabangan naman ngayon kung dadalo si Pangulong Duterte sa ASEAN-EU 40th Anniversary Commemorative Summit mamayang 11:30 ng umaga.

READ  Hirit ni ex-Sen. Marcos na ipawalang bisa ang proklamasyon ni VP Leni, ibinasura; pinayagan ang recount

Dito makakaharap niya si European Council President Donald Tusk kung saan kaabang-abang kung uungkatin nito ang human rights situation sa Pilipinas.

Magugunitang kagabi, hindi sinipot ni Pangulong Duterte ang ASEAN-UN Summit at pinadala na lamang si Foreign Affairs Sec. Alan Peter Cayetano bilang kinatawan.

Kahit hindi dumalo ang pangulong, humarap naman si UN Secretary General António Guterres kung saan kinilala ang ASEAN sa pagtataguyod ng kapayapaan, katatagan at kaunlaran sa rehiyon.

Source link

Post Comments