Duterte kay Carandang: Kapag nagkagulo bansa uunahin kita

     3 months ago
48
Leave a Comment
0 SHARE

Pinayuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Overall Deputy Ombudsman Melchor Arthur Carandang na magdasal na lang kasabay ng bantang papaimbestigahan niya ito at ipapatawag sa bubuing komisyon.

Ginawa ni Pangulong Duterte ang pahayag sa panunumpa ng mga bagong opisyal at induction ng mga bagong miyembro ng Integrated Bar of the Philippines-Davao City Chapter kagabi sa Davao City.

Si Carandang ang nangunguna sa imbestigasyon sa umano’y multi-billion-peso bank accounts ni Pangulong Duterte at ng kanyang pamilya at nagsabing may basehan ang reklamong isinampa ni Sen. Antonio Trillanes sa Ombudsman.

Sinabi ni Pangulong Duterte, “fabricated” o peke ang hawak ni Carandang na bank documents na umano’y galing sa Anti-Money Laundering Council (AMLC).

READ  Why settle for P3 billion when Mighty 'must' pay up to P15 billion?

Ayon kay Pangulong Duterte, hindi naman niya pinagbabantaan si Carandang pero mas mabuting pumunta na lang ito sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) kung may kaibigan ito sa loob para masilip ang mga dokumento.

Inihayag ni Pangulong Duterte na kung magkagulo-gulo ang Pilipinas, uunahin niya si Carandang.

Tiniyak din ng pangulo na ipapa-summon niya mismo si Carandang dahil may ginawa itong krimen at kung hindi ito susunod, ang National Bureau of Investigation (NBI) o siya na mismo ang pupunta sa Ombudsman.

“Imagine this Carandang, magdasal ka lang Carandang. I’m not threatening you. ‘Pag ka nagka-leche leche ang Pilipinas uunahin kita,” ani Pangulong Duterte.

READ  Duterte pasok sa "10 Most Popular Topics" sa buong mundo ngayon 2016

“Sabi ng [AMLC] bakit may nagkuha doon sa loob? Binigay kay Trillanes, binigay kay Carandang. P—– ka Carandang ka, you are holding a fabricated [document], it’s up to your sorrow, you will rely to. Kung may kaibigan ka sa loob, pumunta ka na sa Bangko Sentral, tingnan mo na para safety ka.”

Kasabay nito, iginiit ni Pangulong Duterte na maswerte na kung aabot ng P40 million ang kanyang “lifetime savings” mula ng mayor oa ito ng Davao City.

Source link

Post Comments