Duterte kay Casiño: Puro ka yabang…hambog

     2 months ago
182
Leave a Comment
0 SHARE

Tinawag na mayabang at wala namang nagawa para sa bayan ni Pangulong Rodrigo Duterte si dating Bayan Muna Partylist Rep. Teddy Casiño.

Reaksyon ito ng pangulo sa naging pagbanat sa kanya ni Casiño nang magsalita ang pangulo sa harapan ng mga militanteng grupo pagkatapos ng kanyang State of the Nation Address (SONA).

Sinabi ng pangulo na ilang beses rin niyang pinagbigyan ang kampo ni Casiño noong sila’y nangampanya sa Davao City pero kahit simpleng pasasalamat ay wala itong binanggit sa dating alkalde ng lungsod.

Madalas umanong makisabay sa kanilang kampanya ang grupo ng dating mambabatas kahit noong si Duterte ay mayor pa lamang ng Davao City.

“Itong si Casiño sobra ang yabang nito pero wala namang nagawa sa nation-building kundi theft and destruction…masyado kang hambog”, ayon pa sa pangulo.

Nauna dito ay sinabi ni Casiño na pinagbigyan nilang umakyat sa entablado kung saan nagsasagawa ng kilos-protesta ang mga makakaliwang grupo ang pangulo noong Lunes pero hindi man lang umano sila pinansin nito.

Sinabi rin ni Casiño na kung sa lansangan nagmura ang pangulo ay makakatikim rin ito ng mura mula sa publiko.

Si Casiño ay kilalang isa sa mga kaalyado at tagasuporta ni Communist Party of the Philippines Founding Chairman Jose Maria Sison na nakatikim rin ng mura kay Duterte sa kanyang SONA dahil sa pagpapatuloy ng mga extortion activities at pagpatay ng mga miyembro ng New People’s Army.

Source link

0 SHARE

Post Comments