Duterte kay Chief PNP: Silipin pananabotahe sa PNP drug war; Carl Angelo Arnaiz, kamag-anak ko pa

     3 months ago
25
Leave a Comment
0 SHARE

Inatasan ngayon ni Pangulong Rodrigo Duterte si PNP Chief Ronald dela Rosa na siliping mabuti ang mga nangyayaring patayan partikular sa sinapit ng mga kabataang sina Kian Lloyd delos Santos at Carl Angelo Arnaiz sa Caloocan City dahil baka may nagaganap na pananabotahe.

Ginawa ni Pangulong Duterte ang pahayag sa kanyang talumpati sa 17th founding anniversary celebration ng Digos City, Davao del Sur.

Sinabi ni Pangulong Duterte na posibleng pananabotahe ito ng ilang grupo sa Philippine National Police (PNP) para siraan o pasamain ang imahe ng PNP o ng Duterte administration sa mata ng publiko.

Ayon kay Pangulong Duterte, dapat imbestigahang mabuti ni Gen. Dela Rosa ang mga nagaganap kaakibat ng pinaigting na kampanya laban sa iligal na droga.

READ  Omar Maute at Isnilon Hapilon, namatay na sa battle area – Lorenzana

Kasabay nito, nabanggit ni Pangulong Duterte ang kaso ni Carl Angelo Arnaiz na hindi raw nito malayong kamag-anak pa sa Maasin, Leyte.

Iginiit ng pangulo na hindi siya papayag na patayin ng pulis ang kanyang mga kaanak.

Napag-alamang taga-Maasin, Leyte ang mga magulang ni Carl Angelo at kamag-anak ng mga Roa, na pamilya ng nanay ni Pangulong Duterte.

Source link

Post Comments