Duterte kay Lucio Tan: Bilyong utang, bayaran sa loob ng 10-days kundi isara ko PAL airport

     3 months ago
2372
84 Comments
4.3k SHARE

Binigyan ni Pangulong Rodrigo Duterte ng 10 araw na deadline ang negosyanteng si Lucio Tan para bayaran ang utang nitong gobyerno sa gobyerno.

Sinabi ni Pangulong Duterte kagabi, kung mabibigong bayaran ni Lucio Tan ang utang nitong buwis sa loob ng 10 araw, ipapasara nito ang airport ng Philippine Airlines (PAL).

Ayon kay Pangulong Duterte, kabilang daw sa hindi binabayaran ng kompanya ni Tan ang bayarin sa paggamit ng runway sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Kasabay nito, iginiit ni Pangulong Duterte na wala siyang pakialam sa negosyo ni Tan dahil hindi niya tinanggap noong eleksyon ang kanyang campaign donor.

READ  8 katao patay sa paglubog ng bangka sa Rizal

Magugunitang nasa P30 billion ang sinisingil ng BIR kay Tan na hindi nababayarang buwis.

“Alam mo, basta iyong ano… Basta kayong wala nang—mga abogado man tayo lahat dito. You tell your clients “Pay the tax correctly.” Iyong isa dito ano, sabi niya—I did not accept. I did not accept his money. He is a contributor. At sabihin ko na. Lucio Tan, donor of funds. Sabi ko, “No?” Sabi ko, “Thank you, but—“ And other guys there. Sabi ko, you are using government buildings, airport, you have a back… back—utang diyan sa runway ‘di mo binabayaran.” Sabi ko, “You solve the problem yourself. I will give you 10 days. Bayaran mo, ‘pag hindi mo bayaran, eh ‘di sarhan ko.” Wala nang airport. So what?”  ani Pangulong Duterte.

READ  Amid uproar over Kian’s death, Duterte’s Senate allies move to probe his pet campaign vs illegal drugs | News5

Source link

Post Comments