Duterte: Kung lumala illegal drugs sa PDEA watch, ‘wag niyo akong sisihin

     2 months ago
25
Leave a Comment
4 SHARE

Iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na huwag siyang sisihin kung anuman ang kahinatnan ng bansa lalo sa kampanya sa iligal na droga matapos niyang ipasolo sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang anti-drug operations.

Kung maaalala, naglabas ng memorandum circular si Pangulong Duterte kung saan inaalis na nito sa Philippine National Police (PNP), National Bureau of Investigation, Armed Forces of the Philippines (AFP), at Bureau of Customs, ang otoridad na magsagawa ng operasyon laban sa iligal na droga.

Sa relaunching ng Press Briefing Room sa MalacaƱang, sinabi ni Pangulong Duterte na sana ay masaya na ang mga human rights group, gayundin ang European Union, at iba pang kritiko ng kanyang anti-drug war sa kanyang desisyon.

READ  Columnist Monsod on De Lima case: "The accusation of illegal trade in drugs is blatantly a pure invention."

Ayon kay Pangulong Duterte, tutal lumalabas na PDEA ang may pinakamaliit na bilang ng mga napapatay sa kanilang operasyon kompara PNP at AFP, kaya ito malamang ang nararapat sa paglaban sa iligal na droga.

Inihayag pa ng pangulo na kaya naman siguro ng PDEA ang problema sa droga at tingnan na lang natin ang mangyayari.

Source link

Post Comments