Duterte may ebidensya sa corruption allegation vs Sereno – Palasyo

     3 weeks ago
28
Leave a Comment
0 SHARE

Iginiit ng Malacañang na hindi “trial by publicity” ang ginagawa ni Pangulong Rodrigo Duterte laban kay Supreme Court (SC) chief justice Maria Lourdes Sereno.

Magugunitang inakusahan ni Pangulong Duterte si Sereno ng pagiging “corrupt” at hindi pagdedeklara umano nito sa kanyang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) sa kinita sa PIATCO case.

Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, naglalabas lamang si Pangulong Duterte ng kanyang opinyon sa kanyang nalalaman kay Sereno.

Ayon kay Abella, naniniwala rin siyang bilang abogado, may ebidensya ang Pangulo kaugnay sa seryosong paratang kay Sereno at hindi basta nang-aakusa lamang.

Nakatakda umano nitong ilalabas sa tamang panahon.

READ  SONA 2017 | Special mention for Senator Sonny Angara | News5

Pero wala namang sinasabi pa sa ngayon si Pangulong Duterte na kanyang ipapa-impeach sa Kongreso ang punong mahistrado.

Source link

Post Comments