Duterte nag-sorry sa mga inosenteng nadamay sa kampanya laban sa droga

     10 months ago
126
Leave a Comment
35 SHARE
President Rodrigo Duterte

Humingi ngayon nang paumanhin ang Pangulong Rodrigo Duterte sa mga inosenteng sibilyan na nadadamay sa pinaigting na kampanya ng pamahalaan laban sa iligal na droga.

Ginawa ng pangulo ang pag-sorry dahil sa ilang batikos sa kanya na may ilang mga menor de edad na nadadamay sa kanyang anti-drug war.

Pinaka-latest na nangyari ay sa Caloocan City kung saan sa pitong napatay sa umano’y “onsehan sa droga” ay apat sa mga ito ay pawang binatilyo makaraang ratratin ng mga suspek.

Ang isa sa apat na mga salarin ay nahuli na sa bahagi ng San Jose del Monte, Bulacan.

Samantal sa kabila ng pag-sorry ng Pangulong Duterte, dumipensa pa rin ito na sa ganitong kampanya ay merong mga collateral damage.

READ  'Spillover' ng terror threat sa ARMM, dahilan kaya lumabo pag-alis sa Martial Law - Duterte

Aniya, ang mga pulis officers naman ay hindi rin susunod sa mga iligal na utos dahil apat na taon nila itong pinag-aralan sa akademya.

Ang kanya umanong mga statement ay babala sa mga drug lords na ‘wag sisirain ang Pilipinas dahil papatayin niya ang mga ito.

“Gaya ng mga bata na tinatamaan sa crossfire, collateral damage… Well, I am sorry. There has to be a casualty and ther has to be some drawbacks there,” pag-amin pa ng presidente sa panayam sa Malacanang.

35 SHARE

Post Comments