Duterte, nag-utos na wag atakihin ang mosque sa Marawi

     2 months ago
22
Leave a Comment
8 SHARE

Mahigpit na ibinilin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga sundalo na huwag atakihin ang malaking mosque sa Marawi City na pinagkukublian ng mga terorista habang bihag ang nasa 300 katao.

Ayon sa pangulo, handa siyang maghintay kahit na umabot ng isang taon kung kinakailangan.

Bukod dito, iniutos rin ni Duterte sa mga sundalo na hanapan ng paraan na makapagbigay ng pagkain sa mga bihag ng mga terorista.

Ani Duterte, malapit nang matapos ang bakbakan sa Marawi City at talagang ang nasabing mosque na lang ang nakakapigil dito.

Malaki aniya ang naturang mosque at may mga underground tunnels.

Balewala lang sana aniya ito, ngunit kailangang isaalang-alang ang mga bihag.

Dagdag pa ni Duterte, maaring magpaputok ang mga sundalo, ngunit hindi sila dapat magsagawa ng malakihang pag-atake dahil maghuhudyat ito ng pamumugot ng mga terorista sa mga bihag.

Aniya pa, moral duty ng pamahalaan na panatilihing buhay ang mga hostage at na nakakakain pa ang mga ito.

Source link

8 SHARE

Post Comments