Duterte nagdala ng sigarilyo, inianunsyo ang libreng HK trip, cash raffle sa mga sundalo sa Marawi

     3 months ago
25
Leave a Comment
0 SHARE

MARAWI CITY – Nangako ngayon si Pangulong Rodrigo Duterte ng libreng biyahe sa Hong Kong sa mga tropa ng pamahalaang lumalaban ngayon sa ISIS-Maute terror group sa Marawi City sa oras na matapos ang giyera sa lungsod.

Ginawa ni Pangulong Duterte ang pahayag kaninang hapon sa kanyang ikaapat na beses na pagbisita sa mga tropa ng pamahalaan sa Marawi City.

Sinabi ni Pangulong Duterte, maaaring daanin sa pa-raffle ang libreng biyahe sa Hong Kong sa mga sundalo kasama ang kanilang pamilya, maliban pa sa P100,000 na papremyo lalo sa mga kababaihang sundalo.

Ayon kay Pangulong Duterte, gusto niyang makabawi sa mga sundalong patuloy na lumalaban sa mga terorista at bigyan sila ng magandang bakasyon.

READ  8 Abu Sayyaf, sumuko sa Sulu

Kasabay nito, nagdala rin ang pangulo ng mga sigarilyo para sa nga sundalo na alam daw niyang nai-stress ngayon sa giyera at kailangan ng pamparelax.

Pero nagbabala si Pangulong Duterte sa masamang epekto ng paninigarilyo sa kalusugan lalo kapag tumanda na sila.

Kaya bahala na daw ang mga sundalo kung gagamitin ang mga dala niyang sigarilyo sa kabila ng kanyang naging babala bilang dati ring naninigarilyo.

“Hindi babae kasi it’s unsettling sa akin. Kayo, pagkatapos nito, maawa ang Allah, Hong Kong kayo lahat. Lalaki, marami man masyado. Ang maraming supply: Cainta, Davao, Cebu, Hindi, may magpa-raffle. Magpa-raffle ako, marami rin. Kung maka-tsamba ka, ipadala mo asawa mo pati anak mo. Hindi ka kasi mag-enjoy ng bakasyon na maiwan. Eh useless ‘yan pagpadala mo ang tao. They’d always hanker for the children and the wife. So kung ‘yung manalo na sa ano… Marami ‘yan ha. Dalhin mo asawa mo pati mga anak mo, with matching allowance ‘yan,” ani Pangulong Duterte.

READ  Panelo: Panahon na para mapatalsik sa Senado si Trillanes; alegasyon vs VM Duterte, intriga lang

Muli namang ipinaabot ni Pangulong Duterte ang kanyang saludo at pasasalamat sa mga sundalong lumalaban sa gulo sa Marawi City.

Una rito, dinalaw ni Pangulong Duterte ang burol ni Army Scout Ranger Capt. Rommel Sandoval na kabilang sa pinakabagong nasawi sa giyera laban sa mga terorista.

Source link

Post Comments