Duterte, nakauwi na mula Brunei

     2 weeks ago
23
2 Comments
55 SHARE

Nakabalik na sa Davao City si Pangulong Rodrigo Duterte mula sa kaniyang pagbisita sa Brunei Darussalam.

Dumating si Duterte sa air base ng Philippine Air Foce Tactical Operations Group 9 dakong alas-2:00 ng madaling araw.

Matatandaang tumungo sa Brunei si Duterte para dumalo sa Golden Jubilee Celebration ng panunungkulan ni Sultan Haji Hassanal Bolkiah.

Si Bolkiah ay naging Sultan ng Brunei noong October 4, 1967 at naging Prime Minister naman noong January 1, 1984.

Ang pagtungo ni Duterte sa Brunei ang kaniyang kauna-unahang foreign trip mula nang sumiklab ang gulo sa Marawi City.

Source link

READ  Bayan ng Allacapan sa Cagayan isinailalim na sa state of calamity
55 SHARE

Post Comments