Duterte, pagod na pero nanindigang tatapusin ang termino

     2 months ago
28
Leave a Comment
0 SHARE

 

Aminado si Pangulong Rodrigo Duterte na pagod na siya at hindi na siya masaya sa mga gawain niya bilang presidente.

Ngunit sa kabila nito, iginiit ng pangulo na tatapusin niya ang kaniyang termino at hindi siya magbibitiw sa kalagitnaan nito.

Ayon kay Pangulong Duterte, layon niyang manilbihan nang buong termino sa tulong ng gabay ng Panginoon at ni Allah upang maibigay niya ang mga ipinangako niya sa mga Pilipino.

Aniya, nakakapagod na ang dami ng trabaho niya, pero sapat na ang dahilan na marami pa siyang problemang kailangang ayusin para siya ay magpatuloy sa kaniyang madato.

Ipinunto naman niya na alam niya na ganoon talaga ang trabaho ng pagiging pangulo, bagaman mahirap pa rin itong makasanayan.

READ  VP Robredo shrugs off 'Naga Leaks' article

Ikinalungkot naman ni Duterte na marami siyang kailangang baguhin sa kaniyang pamumuhay, tulad na lamang ng hindi na niya mapuntahan ang mga madalas niyang tinatambayan dahil sa isyung panseguridad.

Bagaman ang tanging paraan lang aniya para makalusot ay ang magbitiw siya sa pwesto, hindi niya ito gagawin dahil may pangako siya sa mga tao na anim na taon siyang maninilbihan.

Source link

0 SHARE

Post Comments