Duterte: Paliwanag ng EU diplomats, ‘too late’

     2 months ago
30
Leave a Comment
0 SHARE

Iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na huli na ang lahat nang magpaliwanag sa kanya ang mga European Union (EU) diplomats kaugnay sa pagbisita ng mga miyembro ng Progressive Alliance and Party of European Socialists at tahasang kinondena ang kanyang anti-drug war.

Magugunitang hinamon ni Pangulong Duterte ang mga EU ambassadors sa bansa na lumayas na at handa siyang putulin ang diplomatic channels sa kanila.

Sinabi ni Pangulong Duterte kagabi, saka na lamang itinakwil o itinanggi ng mga EU ambassadors na sa kanila ang mga European Socialist members nang magalit na siya at magbantang palalayasin sila.

Ayon kay Pangulong Duterte, tahimik ang mga EU diplomats nang dumating ang mga socialist visitors at nagpoprotesta sa umano’y human rights violations sa bansa.

READ  SONA ni Duterte, magiging mas mahaba, pero mas makahulugan - Andanar

Kaya iginiit ng pangulo na tama daw ang kanyang ginawa at hindi ito humingi ng paumanhin sa mga EU ambassadors.

“You know what? Johnny-come-lately, here comes the ambassador of EU to the Philippines disclaiming na iyong mga tao pumunta dito, itong mga leftist sa ibang lugar [na] hinihila ng left dito,” ani Pangulong Duterte. “Tapos kagabi, nakinig pala ang ambassadors, nag-text agad. ‘They are not part of the EU.’ Bakit hindi ka kaagad nagsabi? You kept your silence while they were yakking here.”

The post Duterte: Paliwanag ng EU diplomats, ‘too late’ appeared first on Bombo Radyo Philippines.

Source link

READ  Two new party-list solons, representing senior citizens, sworn into office | News5
0 SHARE

Post Comments