Duterte, pinaalalahanan ng isang obispo kaugnay sa ASEAN Summit

     7 months ago
20
Leave a Comment
0 SHARE

Tiwala si Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo sa positibong resulta ng ika-30 ASEAN summit na isinasagawa ngayon sa Pilipinas.

Gayunman, pinaalalahanan ni Bishop Pabillo ang Pangulong Rodrigo Duterte na mabuting maging huwaran sa pagpapakita ng kagandahan ng Pilipinas.

Ayon kay Pabillo na pinuno rin ng Catholic Bishops Conference of the Phillippines Episcopal Commission on the Laity, hindi lamang sa mga naggagandahang beaches dapat makilala ang Pilipinas kundi sa kagandahang asal.

Aniya pa, kahit napili si Pangulong Duterte bilang isa pinakamaimpluwensiyang pinuno sa buong mundo, ay hindi pa rin ito makatutulong para ipakilala ang Pilipinas kung hindi magbabago ang kaniyang istilo.

READ  Sinisisi sa pagmumura ni President Duterte ang pagbagsak ng Stock Market

Maipapakita aniya ito sa pamamagitan ng magagandang pananalita na namumutawi sa bibig ng pinakamataas na opisyal ng bansa.

Paalala ng Obispo, kailangang itigil na ng Pangulo ang pagmumura at pang aaway sa mga kaalyadong bansa tulad ng Estados Unidos at European Union.

Bukas, Abril 26 ang unang araw ng ASEAN summit na gaganapin sa Philippine International Convention Center sa CCP Complex sa Pasay City.

Source link

0 SHARE

Post Comments